KORONADAL CITY – NAGPATUPAD na ng pamamaraan ang Koronadal National Comprehensive High School o KNCHS kaugnay sa pagpapatupad ng alternate classes ngayong tag-init. Ito ang inihayag ni KNCHS Principal Valentine Dignadice sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal sa layuning hindi maapektuhan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
Ayon kay Dignadice, na yaong mga mag-aarala na may pasok ng umaga, ito sila ay magsasagawa ng class sessions Lunes ng umaga, samantala ang may pasok naman ng hapon, ito sila ay magsasagwa naman ng class sessions sa Martes umaga at vice versa.
Ibig sabihin, pansamantala na lahat ay magsagawa ng pasok sa umaga samantala wala namang klase sa hapon. Sa kabila ng iskemang ito, dadalhin padin ng mga kabataan ang kani-kanilang mga learning materials upang mapunan ang kakulangan ng face to face classes.
Dagdag dito, magsasagawa naman ng morning classes ang Grades 11 at 12 Lunes hanggang Biyernes. Kaugnay nito, hiling naman ni Dignadice sa mga magulang na turuan lamang ang kanilang mga anak at huwag sagutan ang mga handouts na dala ng mga ito. Samantala, magsasagawa naman ng 8 hours duty ang mga teachers, ibig sabihin na sa kabila na walang mga mag-aaral, kailangan ng mga ito na magtrabaho base naman sa utos ng Civil Service Commission.
