Nasa 69 kaso ng COVID-19 naitala sa Camarines Norte sa loob lamang ng 3 araw; 15 panibagong kaso naitala kahapon

CAMARINES NORTE- Sa loob lamang ng 3 araw ay nadagdagan ng 69 kaso ng COVID-19 ang Camarines Norte dahilan upang sumipa sa 745 ang kabuuang bilang ng mga naapektuhan ng virus

Kabilang dito ang 15 panibagong kasong naitala ng DOH Bicol kahapon kung saan  may tig-apat na bagong kaso ang bayan ng Daet at Labo, 3 ang mula sa bayan ng Vinzons habang may tig-i-isang kaso ang nagmula sa bayan ng Mercedes, Jose Panganiban , Paracale at San Vicente

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Bunsod nito umakyat na sa 269 ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan habang wala namang bagong naitala na nakarekober at nasawi sa sakit kung kaya’t nananatili ang mga bilang nito sa 443 at 32

Sa ngayon ay nagsasagawa ang bawat LGU ng kanilang mga kaparaanan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 partkular na sa ilang mga tanggapan

Isa ang LGU Talisay at Vinzons na pansamantalang isinara sa publiko ang kanilang mga tanggapan bilang pag-i-ingat sa pagkalat ng COVID-19

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Habang ang LGU Jose Panganiban at San Vicente ay sinisimulan na ang paggamit ng Staysafe app para sa mas mabilis na contact tracing

Samantala,  patuloy na nagpapaalala ang provincial IMT sa lahat na panatilihin ang pagsusuot ng facial mask at face shield gayundin ang social distancing