Nasa 5 libo katao dumagsa sa Bagasbas beach nitong Easter Sunday – PCG

CAMARINES NORTE – Aabot sa limang libo katao ang dumagsa sa Bagasbas beach nitong Easter Sunday.

Ayon kay LTJG Jason Lavadia, Commander ng Camarines Norte Coast Guard Station, ang ibang mga dumagsa sa Bagasbas beach ay nanggaling pa sa ibang lalawigan.

Nagpadala naman ng augmentation force ang Coast Guard District Bicol upang masigurong namomonitor ang mga baybaying dagat sa lalawigan at masigurong ligtas ang mga beachgoers.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sa kabilang dako, mababa ang tourist arrival sa Calaguas island na hindi pa umabot ng isangdaang noong Semana Santa.

Hindi rin gaanong dinagsa ng mga tao ang ilang isla sa bayan ng Mercedes.

Paliwanag ni Lavadia isa sa posibleng dahilan nito ay ang paghihigpit ng kanilang opisina sa mga banking naghahatid ng mga turista.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Hindi na kasi pwede ang mga bangkang pangisda na sakyan ng mga turista.

Simula noong Biyernes Santo hanggang kahapon walong bangka ang hinuli ng PCG na ang kadalasang paglabag ay pag- alis sa pantalan ng walang PCG clearance habang mayroon din namang mga kolurum na nag- operate bagay na inalmahan naman ng mga lehitimong tourist boat operator.