Nasa 40 mga badjao na namamalimos sa naga city na-rescue ng City Police Office at CSWDO

NAGA CITY – Na-rescue kahapon ng mga pulis at ng mga personahe ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO ang nasa 40 mga individual na mga badjao na namamalimos sa mga lansangan at commercial establishments sa Naga City.

Kasama sa pamamalimos na ito ay ang kani-kanilang mga anak na tinuturuan na ring mamalimos.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ibinalik ang mga ito sa bayan na kanilang pinanggalingan sa Pasacao Camarines Sur.

Ayon kay Gloria Rodriguez, Admin Aide 1 ng CSWDO, sinabi nito na tulad ng dati nakipag-ugnayan sila sa counter-part nila sa Municipal Social Welfare and Development Office para sa pag turn over sa naturang mga bajao, upang tiyakin na makakauwi ang mga ito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Inaasahan na ang ganitong sistema dahil sa paparating na ang Pasko, maraming tao at sinasamantala nilang mamalimos, gamit ang kanilang mga anak. Puwedeng mamalimos ang mga badjao, subalit huwag ng isama ang mga anak nila.