Inaprobahan na ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal na payagan ang mga magtitinda ng mga samu’t saring paputok sa lunsod ng Legazpi basta’t mayroong permit ang mga ito.
Ayon sa alkalde, mayroon na silang mga designated area o pwesto na pagtitindahan ng mga paputok.
Aniya, ang tanging lugar lamang kung saan maaaring magtinda ang mga venddor ay sa Brgy. Victory Village, sa harap ng Tektone Village.
Dagdag pa nito, ang bawat magtitinda ng mga paputok ay kinakailangang may nakahandang tubig para sa mabilis ng pag-apula kung mayroong sunog.
Sa ngayon ay inaayos na umano ng mga vendors ang kanilang mga requirements o permit mula sa PNP at LGU ng nasabing lunsod.
Sinabi ng alkalde, alam na rin ng mga magtitinda ng mga paputok ang mga ipinagbabawal o maaaring itindang mga paputok sa kanilang designation area.