Hawak na ng mga otoridad ang isang construction worker matapos mahuli sa gun buy-bust operation sa P-3, Brgy. San Roque lungsod ng Legazpi.
Kinilala ang suspek na si alyas “Roger”, 22 anyos at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa report, hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad laban sa suspek.
Kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang baril na nagkakahalaga na P15,500.
Nang matunugan ito, dito na nagdeklara ang otoridad na naging dahilan ng kanyang pagkakahuli.
Narekober sa kanya ang isang undocumented na caliber 45 at perangf ginamit sa nasabing transaksyon.
Maliban pa rito, nahulihan din ito ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may laman na suspected “shabu”.
Ang suspek ay nasa kostudiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.