Nasa 32 former rebels nabigyan ng scholarship grant mula sa TESDA bilang bahagi ng programa kontra terorismo ng PNP sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nasa 32 former rebels ang nabigyan ng scholarship grant na nagmula sa TESDA bilang bahagi ng programa kontra terorismo ng PNP sa lalawigan ng Camarines Norte

Ito ang naging highlight sa isinagawang paglulunsad ng Unity Walk, Konsyerto Kontra Terorismo at Duterte Legacy Caravan Thru convergence of all Government Agencies kaugnay sa pagdiriwang ng labor day nitong linggo

Kasabay rin nito ang pamamahagi sa mga dumalo ng mga basic services ng gobyerno tulad ng libreng bunot ng ngipin at libreng gupit na handog ng Provincial Government at DOH, pamumudmod ng foodpacks ng DSWD at ng mga kapulisan sa umaabot na 500 benepisyaryo nito

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Naging bahagi rin ang pagtuturo ng livelihood program at info drive ng DEPED, libreng Driving Theoretical Course at Info Drive naman mula sa LTO, libreng 150 seedlings mula sa PENRO, business info drive mula sa DTI at mga Info drives naman sa iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Nagbigay naman ng mensahe ang dating miyembro ng teroristang grupong NPA na si Ka Mimoy at ibinahagi ang mga masasamang karanasan nya sa pagsapi sa teroristang grupo at maling idolohiya ng mga ito.

Si Ka Mimoy ay isa sa mga benepisyaryo ng scholarship grant ng PNP para sa mga sumusukong rebelde