CAMARINES NORTE- Masigasig ngayon ang kampanya ng kapulisan sa Camarines Norte para sa nalalapit na eleksyon sa mapayapa at ZERO related incidents ngayong nalalapit na eleksyon
Ayon kay CNPPO PD PCOL Julius Guadamor, inaasahan ng kanilang hanay lalo na bagong Regional Director ng PRO5, PBGEN MARIO A REYES, na ang bawat mamamayan ay bomoto sa pinakamalinis nilang paraan at makiisa at sumuporta sa adhikaing magkaroon ng Safe, Accurate, Free/Fair National and Local Elections (SAFE NLE) 2022.
Nitong sabado ay una ng isinagawa ang peace covenant signing sa probinsya na matagumpay na nairaos, kung saan nakiisa sa aktibidad ang bagong Regional Director ng PRO5 at sinimulan sa pamamagitan ng isang panalangin
Sa nasabing aktibidad, nagkaroon ng pagsindi ng SAFE candles bilang simbolo ng pangangalaga at proteksyon ng integridad para sa gaganaping National and Local Elections 2022.
Sinundan ito ng paglagda ng Pledge of Commitment na pinangunahan ni Engr. Jerwin Novio, Provincial Cluster Head ng DILG Camarines Norte kung saan lahat ng pinuno ng mga deputized agencies ay sabay-sabay nanumpa at lumagda sa nasabing panunumpa.
Matapos nito, isa-isa ring nanumpa at lumagda ang mga political candidates ng kanilang Integrity Pledge na pinamunuan naman ni Mr. Rommel Pajarin, kinatawang ng COMELEC.
Sa huling bahagi ng programa ay nagpalipad ng mga puting kalapati kung saan ito ay sumisimbolo ng pag-asa, katapatan, kadalisayan at pagmamahal.
