Nasa 29K benipisyaryo tumanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD Region 3

Umabot sa nasa 29,000 na mga benipisyaryo sa Zambales ang nabigyan ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development Region 3.

Ito ay kasabay ng isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair nakalipas January 27-28 sa Botolan, Zambales.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Ayon sa DSWD nasa 21,000 na indibidwal mula sa ikalawang distrito ng Zambales at karagdagang 8,000 na residente naman mula sa unang distrito ang naging benipisyaryo.

Kaugnay nito, may nakatanggap din ng Sustainable Livelihood Program ng Seed Capital Fund.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Dagdag pa rito, ang material assistance na 10,000 family food packs para sa iba pang residente ng probinsya.

Matatandaan na isinagawa sa Zambales ang kauna-unahang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Central Luzon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DSWD