CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education na dapat fully vaccinated ang mga estudyanteng lalahok sa mga aktibidad na may kaugnayan sa pagdiriwang ng ika- 112th Birth Anniversary ng bayaning si Gat. Wenceslao Q. Vinzons ngayong darating na Seytembre 28.
Ito ay upang masiguro na protektado ang mga bata kontra COVID- 19.
Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo bukod sa pagiging fully vaccinated ay kailangan din umanong may pahintulot ang magulang at walang gagastusin ang estudyante maging ang mga guro.
Aniya hindi naman tumatanggi ang eskwelahan sa mga ganitong imbitasyon pero may mga kondisyon umanong dapat masunod alinsunod naman sa Memorandum ng regional Office.
Kabilang sa mga aktibidad madalas sinasalihan ng mga estudyante ay writing contest, oratorical contest at iba pa.
Ang September 28, ay deklaradong special non- working holiday sa lalawigan sa bisa ng Republic Act 6720 o an Act Declaring Sept. 28 of every year a special non-working holiday in the province of Camarines Norte to commemorate the birth of Wenceslao Q. Vinzons Sr., patriot and martyr na isinabatas noon pang March 20, 1989.
