NAKAKUSTODIYA na sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-XII) ang apat na itinuturong mga managers ng OKANE KAHAYAG investment scheme sa Glan at Alabel Sarangani Province , General Santos City at Polomolok South Cotabato.
Nahuli ang mga ito sa pamamagitan ng isang entrapment operation ng kapulisan, matapos umanong may reklamante na lumapit sa CIDG-XII at ang impormasyong kanilang nakuha ginamit para makipag transak sa mga suspek na agad naman nilang kinagat dahil sa akalang mag-iinvest ng malaking halaga sa kanila , at sa panahon ng pagkikita sa Klinan 6 Polomolok South Cotabato, doon na nangyari ang entrapment operation matapos nitong tanggapin ang pera na hawak ng isang pulis na nagkunkunwaring investor.
Sinabi naman ni CIDG-12 Assistant Regional Director PLtCl. Rogelio Pineda Jr. na si Alyas Cathy at Bai Almira Almasan na taga Cotabato at founder ng OKANE KAHAYAG ay nakatakas , ngunit sinigurado ng opisyal na patuloy ang kanilang paghahanap lalo na ngayon at nalaman nila ang tunay na pangalan ng mga ito.
Nabatid na tinatayang nasa P500M ang nakolektang pera ng nasabing investment scam , kaya naman nanawagan ni PLtcL. Pineda sa mga nabiktima nito na mag file ng reklamo para agad makapagsampa ng kaso laban sa kanila. (with reports from Jane Alido – 89.5 BNFM GENSAN)