Narra Mayor G. Danao, hiniling sa mga kababayan na maging bukas ang isipan sa usapin ng Coal Plant

Ikinokonsidera umano ng Narra Mayor Gerandy Danao ang pagkakaroon ng Coal Fired Power Plant sa bayan ng Narra, Palawan.

Inihayag ito ng alkalde sa ginanap na press conference nitong Miyerkoles, May 31 sa Puerto Princesa.

Read More:  Ambulance carrying patient collides with taxi in Cebu City

Ayon kay Mayor Danao, nais niyang masubukan ng isang buwan ang operasyon ng planta sa munisipyo ngunit kapag pumalpak ay agad niya raw itong ipapatigil.

Ngunit bago iyon, kinakailangan na magkaroon ng public consultation sa mga barangay na maaapektuhan at kung nais nila na magkaroon ng coal fired power plant sa Narra.

Read More:  Senior Citizens in Gensan find fun, fitness in Pickleball

Ibinahagi sa media ni Mayor Danao na kamakailan ay pumunta siya sa Alcala, Cagayan na mayroong Coal Fired Power Plant at doon siya nag-ikot para mapatunayan ang epekto ng planta ng DMCI.