Bilang ng COVID-19 cases sa Albay, bumaba sa 3

LEGAZPI CITY – Bumaba sa tatlo ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Albay, batay sa tala ng Department of Health (DOH) Bicol.

Batay sa datos, tig-iisang kaso ang naitala sa mga bayan ng Bacacay, Guinobatan at Daraga, habang wala namang naiulat na bagong mga gumaling o nasawi dahil sa nasabing sakit.

Read More:  Facebook post triggers shooting scare at Cebu City private school

Sa ngayon ay bumaba rin ang kabuuang bilang ng mga nagpopositibo sa buong rehiyon ng Bicol.

Matatandaan, sa nakaraang datos ng ahensya, mahigit 100 ang naitalang mga kaso sa buong rehiyon, subalit ngayon ay bumaba ito sa 33.

Read More:  Rare wildlife recorded by camera traps in Mt. Apo Natural Park

Pinaalalahanan pa rin ang lahat na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols at magpabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng nabanggit na sakit.