Napaulat na nasawi dahil sa magnitude 7 na lindol, umakyat na sa anim ayon sa NDRRMC

Nadagdagan pa ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa nangyaring lindol sa Northern Luzon.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa anim ang death toll dahil sa lindol.

Ayon kay Mark Timbal, NDRRMC spokesperson, lima sa mga napaulat na nasawi ay kumpirmado na habang ang isa naman ay bineberipika pa nila ang detalye ng pagkamatay.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Samantala, patuloy rin aniya ang kanilang ginagawang assessment sa damage o pinsala ng lindol sa Region 1 at Cordillera.

Ayon kay Timbal, sa ngayon ya umabot na sa P8.3 million ang pinsala ng lindol sa agrikultura. Pumalo naman na sa P48.3 million ang damage sa imprastraktura.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Batay aniya sa kanilang pagtaya, umaabot na sa 2,000 hanggang 4,000 ang naitalang nasira at napinsala na mga kabahayan sa Region 1, Cordillera at iba pang karatig na rehiyon.