Hinimok ni Senador Christopher Bong Go ang pamahalaan na madaliin ang nationwide rollout ng COVID-19 vaccine second booster shots

Ayon kay Go na chairman ng Senate Committee on Health dapat mabilis ang rollout upang matiyak na walang masasayang na bakuna.

Ngayong mayroon nang inilatag na guidelines ang DOH sinabi ni Go na kailangan makarating ang mga bakuna pati sa mga liblib na mga bayan.

Read More:  Gracioso challenges Sara Duterte, Ex-Speaker Velasco to lie detector test

Naniniwala si Go na ang mabilis na bakunahan ang isa sa mga susi para agad na makabangon ang bansa sa nararanasang pandemya.

Read More:  Palace to respect SC ruling on VP Sara impeachment voting rule

Muli naman hinimok ng senador ang publiko na huwag nang pagdudahan ang bisa ng bakuna dahil napatunayan na ng mga eksperto na ito ay ligtas at epektibo.