Naparehistrong SIM cards sa bansa, higit 100M

Umabot na ng higit 100M ang mga naparehistrong SIM cards sa bansa, mahigit isang buwan bago ang deadline ng rehistrasyon.

Ayon sa National Telecommunications Commission, katumbas ito ng 59.55 percent sa kabuuang mahigit 168 milyong subscribers sa bansa.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa naturang bilang, 6,922,130 nito ay Dito SIM cards, habang 45,914,318 ang Globe, at 47,320,431 ang Smart.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Maaalalang, pinalawig ng 90-araw ang extension ng deadline ng SIM card regustration hanggang July 25, 2023 mula sa orihinal nitong deadline noong April 26.