Balasahan sa NBI Detention facility, sinimulan na

Sinimulan na ng Department of Justice ang balasahan sa mga tauhaan ng NBI Detention facility.

Ito ang sinabi ni Justice spokesperson Asec. Mico Clavano kasunod ng pagkakaaresto sa anim na NBI security personnel na nag-escort palabas ng kulungan sa detainee na sa Jad Dera.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Kabilang sa sinisilip ngayon ng DOJ ang posibleng pananagutan ng mga matataas na tauhan ng NBI detention facility.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Ayon kay Clavano, naniniwala silang hindi kikilos ang mga tauhan ng NBI kung walang basbas mula sa higher authority.

Nauna nang sinibak sa pwesto ang hepe ng Security Management Section ng NBI kasunod ng nangyaring insidente bilang bahagi ng command responsibility.