Hindi na naman sumipot si Cassandra Li Ong sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa POGO.
Si Ong ay kasalukuyan pa rin umanong nasa isang ospital sa Taguig.
Mababatid na noong nakaraang Huwebes, hindi na rin ito dumalo sa pagdinig ng Senate justice and human rights subcommittee kaugnay sa pagsibat nina dismissed Mayor Alice Guo.
Ngayon, hindi rin umattend si Ong sa pagdinig naman ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality sa POGO.
Si Ong ay ang otorisadong kinatawan ng na-raid na POGO firm sa Porac.
Siya rin ang girlfriend ng umano’y kapatid ni Alice na si Wesley Guo.