Nangikil upang hindi ilabas ang mga hubad na larawan at video, arestado; suspek nagtangkang magpakamatay sa Camarines Sur

NAGA CITY- Bulag nga ba ang pag-ibig? Bagsak sa kamay ng mga otoridad ang 24-anyos na gay na nanakot umanong magpapakalat ng hubad na larawan at videos ng isang 23-anyos na binata sa Pasacao Camarines Sur.

Sa report ng PNP, nagpaabot ng sumbong ang binatang itago natin sa pangalang “Giner” , residente ng Caranan Pasacao, ilang beses na umanong humihingi ng cash ang suspek na itago rin natin sa pangalang “Restie” ng Sto. Domingo, Calabanga parehong lalawigan, kung hindi magbibigay ikakalat sa social media ang nude photos and videos na nasa cellphone ng suspek.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nang matapos ang imbestiigasyon naikasa ang entrapment operation, P5K ang usapan sa transaksyon sa Pasacao. Calabanga man ang permanent address may tinitirahan sa Pasacao ang suspek.

Ipinadala ito isang remittance network, nang kunin saka na inaresto sa Barangay Balogo ng mga otoridad. Narekober din ang cellphone kung saan naka save ang ginagamit sa pangingikil.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Chester Enriquez na dating may relasyon ang dalawa. Nagtiwala ang biktima sa kaniyang karelasyong estudyanteng si “Restie” na noon ay hindi niya pa nadidiskubreng lalaki pala.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa himpilan hindi na itinanggi ni “Restie” ang kaniyang pangingikil, nakiusap ito ng areglo sa biktima subalit hindi na pumayag ang kampo ni “Giner”.

Bandang alas-7 ng gabi nang magpaalam si “Restie” na tutungo sa palikuran na hindi nakakabit sa himpilan , may escort siyang personahe ng PNP Pasacao , ikinagulat na ininum nito ang tirang muriatic acid sa CR.

Nasa Bicol Medical Center na ang suspek na nagtangkang magpakamatay, mahaharap ito sa kasong Robbery Extortion.