NAGA CITY- Malapit nang umabot sa 70% ng target bakunahan sa Camarines Sur ang bilang ng naturukan ng COVID-19 first dose.
Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Department of Health CamSur Officer Dr. Rey Millena matapos ang unang National Vaccination Days at Round 2 nito kasabay ng Provincial Vaccination Days. Aniya kung tuloy-tuloy ang magandang response sa bakuna, sa Marso tiyak fully vaccinated na ang mahigit isang milyong target population.
Samantala, ang mga mga frontliners sa lalawigan may apela sa publiko sa kaliwat kanang pagtitipon lalo na mga Christmas Party. Sa mensahe ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO, sinabing hindi na new normal ang ginagawa kundi balik na sa dati. Sobra na ang overtime ng vaccination team upang mabakunahan ang 70% ng populasyon sa probinsya.
Halimbawa na lamang sa bayan ng Bula ayon kay Dr. Mylene Milla ng Rural Health Unit, nagdodoble kayod sila upang maaabot ang herd immunity.
Batid rin ng pagod ng team kaya pakiusap sa publiko hinay-hinay sa party upang maging happy rin ang pagsalubong ng bagong taon.