NAGA CITY – Nakatutok at pina alerto ang apat na barangay na nasa Bicol River sa Canaman , Camarines Sur dahil sa Bagyong Amang.
Ito ang Barangay Iquin, Palo, San Nicolas at San Juan na halos may mahigit 2, 000 rin mga residente ang nakatira sa mga barangay na ito.
Sa panayam kay MDRRM Officer Froilan Altamarino, sinabi nitong nakahanda sila, katunayan kakatapos pa lang noong mga nakaraang buwan ng kanilang muling pagsasagawa ng training, maging sa WASAR bilang kahandaan lalo pagganitong may bagyo. Magiging madali na rin sa kanila ang pagtawid dahil sa bagong rescue boat na kompleto sa gamit na natanggap nila noong nakaraang taon.
Ayon pa sa opisyal pinapa-igting pa ang komunikasyon at koordinasyon sa mga barangay lalo na may nakahanda ring mga evacuation center sa mga lugar.