Nakalimutang nakasaksak na ceiling fan, pinaniniwalaang dahilan ng sunog sa isang wooden residential house sa Naga City

NAGA CITY – Nakalimutang nakasaksak na ceiling fan ang pinaniniwalaang dahilan ng sunog sa isang wooden residential house sa Barangay Mabolo, Naga City, bandang mga alas 5:20 ng umaga, kahapon.

Sa panayam kay SFO1 Anthony Mahinay, Investigator, Fire and Arson Investigation Unit ng Naga City Fire Station, papa-alis papuntang Batangas ang pamilya nang biglang magkaroon ng power interruption, dahil sa kakamadali, hindi na naibaba ang circuit breaker at nakalimutan na nakasaksak pa ang naturang gamit, kaya nang biglang bumalik ang kuryente doon nagkaroon ng sunog, kung saan nagkaroon ng electrical surge o short circuit impact ng biglang bumalik ang kuryente.

Tumagal ng nasa 20 hanggang 30 minuto ang sunog na narespundehan naman kaagad ng istasyon, kasama ang Naga White, Chin Po Tong, at ilang pang opisina para makapagbigay ng asistensya. Sa pakikipag-usap pa ng opisyal sa may ari, nasa P588.00 ang naging danyos sa sunog. Wala namang nasugatan sa pamilya maging ibang tao sa sunog at wala ring nadamay na ibang bahay o establisemento.

Muli paalala ng opisyal na maging alerto pa rin mainit man o maulan ang panahon lalo na’t ang sunog ay maaaring mangyari araw-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *