Higit 400 katao sa Olongapo, tinamaan ng tuberculosis

Tinamaan ng tuberculosis ang higit apatnaraang indibidwal sa Olongapo mula buwan ng Enero hanggang Abril ngayong taon.

Ito ay base sa tala ng City Health Office na ikinokonsiderang malaking bilang kumpara sa mga taong may pandemya kung kailan limitado ang galaw ng mga tao.

Ayon kay CHO Medtech Head Joan Fernandez, ang mga nagpositibo ay hiwalay pa sa mga tinamaan noong nakaraan taon at di pa gumagaling hanggang ngayon.

Ibig sabihin, ang panibagong mga kaso ay na-diagnose lang sa taong ito at isa sa pinaniniwalaang dahilan nito ay malaya nang nakakapag-pakonsulta ang lahat dahil wala nang restriksyon.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *