Naka- schedule na simultaneous network maintenance works ng Primewater ngayong araw sa Enero na ng susunod na taon itutuloy

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Primewater Camarines Norte na hindi na matutuloy ang naka- schedule na network maintenance works ngayong araw, December 21, 2021.

Batay sa advisory ng kompanya dahil ito sa  ilang mga adjustments bunsod ng mga nangyari nitong mga nakatalikod na araw.

Matatandaan na unang inanunsiyo ng Primewater na makakaranas ng mababang pressure hanggang pagkawala ng suplay sa ilang lugar dito sa Daet gayundin sa San Vicente dahil sa naturang gawain.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Una itong itinakda noong December 17  mula alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Pero dahil sa bagyong Odette ay nire- schedule ngayong araw hanggang sa magpasya ang Primewater na sa Enero 2022 na lang ituloy.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Mababatid na ginagawa ang mga simultaneous network maintenance works upang maisaayos ang problema sa daloy ng tubig sa mga service area ng Primewater.

Humingi naman ng pang unawa ang management mula sa mga kunsomidores.