NAGA CITY-Maaga ang pamasko o biyaya ng dagat para sa mga taga Caramoan Camarines Sur.
Pinagkaguluhan ng mga residente at mangingisda sa Barangay Paniman ang huling espada o “langkoy” kung tawagin. May iba’t-ibang uri rin ng isda na tila ba sila na ang lumapit sa lambat. “Bitana” kung tawagin ang pamamaraan ng pag huli.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Bicol Spokesperson Nonie Enolva, ipinaliwanag na ang espada ay isa sa Top 20 species sa Lagonoy Gulf at San Miguel Bay. Matapos aniya ang season ng dilis , dumaragsa ang espada. Binigyang diin ang pangyayari noong nagdaang weekend ay hindi epekto ng Bagyong Odette.
Noong Oktubre , ganito rin ang nangyari kung saan umabot sa halos dalawang tonelada ang nakuha sa isang araw. Ayon sa mga residente pinapanatili nila ang malinis na kapaligiran.