Cash rewards and incentives para kay Hidilyn Diaz, inaasahang aabot sa P33-million

Inaasahan na papalo sa P33-million ang halaga ng cash reward na naghihintay para sa pride ng Zamboanga City na si Hidilyn Diaz.

Ito ay matapos masungkit ni Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas mula nang unang pumasok ang bansa sa Olympic Games noong 1924.

Base sa Republic Act 10699, ay makakatanggap ng P10-million ang mga Olympic gold medalists na lumahok sa individual events.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Nangako naman ang MVP Sports Foundation na magbibigay ito ng hiwalay na P10-million sa mga atleta na magkakamit ng ginto sa Tokyo Olympics.

Iginiit ni MVP Sports Foundation chairman Manny V. Pangilinan na ang Olympics ay ang itinuturing na “tournament of tournaments” at nais niya na maipakita sa buong mundo ang talento ng mga Pilipino.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Inihayag naman ni Philippine Olympic Committee chair President Abraham Tolentino na magbibigay ang business tycoon na si Ramon S. Ang ng P10-million sa bawat atleta na magkakamit ng ginto sa Tokyo 2020 Olympics.

Nag-pldege naman ng P3-million ang atleta na si Deputy Speaker Mikee Romero para sa mga Pilipino na makakakuha ng gintong medalya sa Tokyo Olympics.