Naitalang fire incidents ngayong taon sa Camarines Sur, pumalo na 119; publiko patuloy na pinag-iingat kontra sunog

CAMARINES SUR – Pumalo na sa 119 ang naitalang fire incident sa buwan ng Abril at Mayo, ngayong taong 2024 sa Camarines Sur, mataas kumpara sa nakalipas na taon.

Ayon kay SFO1 Don Pomposo, Provincial Chief for Operation ng Bureau of Fire Protection Cam. Sur, malaki ang kontribusyon ng kakaibang sobrang init ng panahon ngayon epekto ng El Nino, sa pagtaas ng kaso ng sunog, halos lahat ng paligid tuyo na, kadalasan pang na-irereport sa kanila grass fire sa iba-ibang lugar, dahil na rin pagsusunog ng basura o tuyong dahon ng ilang residente lalo na ang mga nasa kabundukan sa probinsya.

Isa na nga ang nangyari sa Iriga City dahilan ang pagka-kaingin, at nakapagtala na ng 12 sunog, pangalawa ang bayan ng Pili na may pitong kaso, pumangatlo naman ang Bula na nasa anim.

Kaya naman kasabay ng paniniguro at pagtitiyak na may supply ng tubig sa mga pagreresponde, pinag-iingat ang publiko laban sa sunog at hanggat maaari iwasang magsunog ng dahon, pagtatapon ng upos ng sigarilyo at limitahan ang paggamit ng mga appliances kung hindi ginagamit lalo na’t nangunguna pa rin sa bansa ang electrical wire sa sanhi ng pagkakasunog.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system