Target na maipamahaging titulo ngayong taon ng DAR, nasa 65% na ayon kay PBBM

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng mga titulo ng lupa sa mga Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs.

Sa isang seremonya ng pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award o CLOA at e-title sa Dumaguete City, Negros Oriental kaninang umaga, inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos na nakapamahagi na ang DAR ng higit sa 15,000 ektarya ng lupain sa mahigit 9,000 na mga ARBs.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Katumbas ito ng 65% ng taunang target ng ahensya, na maipamahagi ang 23,000 ektarya ng lupa ngayong taon.

Binigyang-diin din ng Pangulo na sa paglilipat ng pagmamay-ari ng lupain sa mga benepisyaryo, pinagtitibay nito ang pangako ng pamahalaan na itaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga magsasaka.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Aniya, nagsimula ang pagpupursiging ito nang lagdaan nya ang RA 11953 o ang New Emancipation Act.

Ayon kay Pangulong Marcos, simbolo rin ito ng taus-pusong pasasalamat ng sambayanang Pilipino sa walang sawang pagsisikap at katatagan ng mga magsasaka.