Inilarawan ni Manila 6th district Rep. Bienvenido Abante Jr. na ‘sakit ng kalingkingan’ ang kinahaharap na sitwasyon ni Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr. na naka-aapekto sa Kamara.
Ayon kay Abante, na isang miyembro rin ng House Committee on Ethics, first time itong mangyari sa House of Representatives.
Dagdag pa niya, kahit si Teves ang pinag-uusapan, talagang may epekto rin ito sa buong lower chamber.
Sa kabila nito, tiniyak ni Abante na pinag-aaralan ng ethics committee ang lahat para hindi na maging masama ang ‘impression’ o imahe ng Kamara sa mga tao.
Sa huli, iginiit ng mambabatas na si Teves ang may dahilan kung bakit ‘under scrutiny’ ang buong Kongreso.
#