Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources ang isang shipment na naglalaman ng mga exotic wildlife sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa ulat ng BOC, ang limang Pacman frogs ay nagmula sa Malaysia at may tinatayang market value na P81,795.00.
Napag-alaman na nag consignee nito ay taga San Pedro Laguna.
Posible maharap sa kasong paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act matutukoy na suspek sa likod ng tangkang pagpasok ng naturang hayop.
#