Nagpanggap na pulis, arestado ng tunay na pulis

SORSOGON CITY – Inaresto ng tunay na pulis, sa pamamagitan ng ‘warrantless arrest’ ang 29-anyos na lalaki na nagpanggap na pulis sa isang restobar sa lungsod ng Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Alexander Baron Hije, Marketing agent sa isang pribadong kompanya at naninirahan sa Crossing Purok 6, Brgy Rizal sa bayan ng Casiguran habang ang biktima ay nakatalaga sa Highway Patrol Group (HPG) – Sorsogon.

Sa ulat na nakuha ng Brigada News FM-Sorsogon, sinusundo umano ng biktima ang kanyang anak na nagtatrabaho sa restobar nang dumating ang mga awtoridad at pumasok sa nasabing bar upang paalalahanan ang mga customers sa umiiral na curfew.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ang suspek na nakatayo katabi lang ng biktima ay binuksan ang sling bag at ipinakita ang isang hindi madeterminang kalibre ng baril sa biktima, sabay sabing ‘’huwag matakot dahil pulis ako.’’

Tinanong ng biktima kung saang police station ito naka-assigned at sumagot naman na sa Casiguran Municipal Police Station. Subalit, nang hiningan ng biktima ng pagkakilanlan ay wala itong maipakita. Dito na nagduda ang tunay na pulis.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa aktong bubunutin ng suspek ang baril sa kanyang sling bag ay agad na sinunggaban ito ng biktima at nauwi sa komusyon ang agawan sa baril.

Nasawata naman ng rumespondeng mga pulis ang kaguluhan at nang tanunging muli ang suspek sa kanyang pagkakilanlan ay wala itong naipakita dahilan ng kanyang tuluyang pagka-aresto.

Sa huli, nabatid na ang baril pala ng suspek ay isang airsoft pistol.

Si Hije ay mahaharap sa kasong Usurpation of Authority.