Nagpabooster dose sa COVID 19 vaccine sa So.Cot, 7% pa lang

KORONADAL CITY- NASA 7% pa lang ng mga fully vaccinated na mga indibidwal sa South Cotabato ang nakapagpa-booster shot laban sa COVID 19.

Batay sa datos ng Integrated Provincial Health Office o IPHO noong February 2, ito ay binubuo ng 27, 369 na mga indibidwal.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Dahil dito, hinihikayat ng IPHO ang mga eligibile na ng booster dose na magpabakuna na upang mapalakas ang proteksyon laban sa COVID 19 lalo na sa gitna ng banta ng Omicron variant.
Kwalipikado sa booster shot ang mga fully vaccinated na naturukan ng 2nd dose sa nakaraang tatlong buwan.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Samantala, umabot na sa 42% o 418,994 ng 996,843 na projected population ng probinsya ang fully vaccinated, ngunit ito ay mababa pa kung ikukumpara sa target na 70% herd immunity.
Ang mga partially vaccinated ay umabot naman sa 73,972.