Nagde-date na magkasintahan, hinold-up sa San Mateo, Rizal

Naglakad na lamang pauwi ang magkasintahang nag-de-date matapos silang pagnakawan at tinangayan pa ng motorsiklo sa San Mateo, Rizal.

Sa ulat ng San Mateo Municipal Police Station, pumarada ang dalawa sa tapat ng isang kapihan sa Barangay Gitnang Bayan Uno.

Nilapitan ang mga biktima ng magka-angkas na lalaki na sakay sa motorsiklo kung saan puwersahang dinukot ang belt bag ng rider na may lamang halos P40K.

Bukod dito, tinangay rin ang motorsiklo ng biktima na napag-alamang rider sa isang ride-hailing application.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang follow-up operation ng San Mateo Police para matukoy na ang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *