Naga City Veterinary Office nakahuli ng mahigit 100 mga asong gala sa loob ng ilang araw na dog-catching activity ngayong Peñafrancia Fiesta

NAGA CITY – Maraming mga asong-gala ang nahuli ng mga personahe ng City Veterinary Office sa ilang araw na pagpatupad ng dog-catching activitiy sa sentro ng lungsod.

Sa tantiya ni Dr. Junius Elad Jr. City Veterinarian sobra sa 100 ang nahuli sa loob ng ilang araw sa mga barangay na nakapaligid sa kasentrohan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sinabi ni Elad sa Brigada News FM Naga na malaking perwisyo ang mga galang aso dahil nagkakalkal ng mga basura at minsan hinahabol pa ang mga dumaraang tao, lalo na ang mga bata.

May natanggap silang ulat na may nakagat pa sa Barangay Lerma subalit hindi pa naman nila makumpirma.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nakakahiya  aniya lalo na sa mga bisitang deboto kung makikita ng mga ito na maraming mga asong-kalye sa lungsod na puwedeng magdala ng peligro o madisgrasya.

Inabisuhan niya na rin ang mga barangay opisyal na tulungan sila sa kanilang kampanya sa tamang pag-alaga ng aso o kahit ng mga pusa.