Naga City SWDO kinumpirmang may mga naka home quarantine na naman sa dahil sa COVID-19

NAGA CITY – Muli na namang may mga naka home quarantine sa Naga City dahil sa COVID-19 at karamihan sa mga ito ay mag medical personnel, gaya ng nurse o kaya naman doctor.

Ang pag home quarantine sa mga ito ay kinumpirma ni City Social Welfare and Development Office Chief Annabelle Vargas, na ayun sa kanya ay hindi naman gaanong mahigpit kung ihahambing noong mga nakaraang taon sa unang bugso ng virus.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Vargas na tulad ng dati binibigyan nila ang mga ito ng dapat na ayuda para maiwasang lumabas ng kanilang bahay.

Hindi rin nito nabanggit ang bilang ng mga naka-home quarantine at kung saang barangay ang mga ito.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kaugnay nito, sinabi ni naman ni Concepcion Grande Punong Barangay Michael Oliva na may isa silang bagong kaso ngayon ng COVID-19; medical personnel ito na nagta-trabaho sa isang pribadong ospital ng lungsod. Naninirahan ito sa isang subdivision sa Concepcion Grande at tulad ng dapat gawin naka-quarantine.