DOH ikokonsidera na gawing optional na lamang ang pagsusuot ng face masks

Ikokonsidera umano ng gobyerno na gawing optional ang pagsusuot ng facemask outdoor, sa oras na protektado na ang lahat ng vulnerable sectors.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, iaanunsyo sa mga susunod na araw ang target na vaccination rates, kasunod ng approval ng Office of the President.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Mababatid na mula Lunes, papalo na sa 71-M na mga indibidwal sa Pilipinas ang fully vaccinated laban sa COVID-19, kung saan 15.3 million dito ang nakatanggap na ng karagdagang dose.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Kaugnay nito, may 954,000 health workers, elderly, at immunocompromised persons ang nakatanggap ng second booster dose.