Naga City PSO at NCPO, pinarangalan bilang most effective partners for road safety

NAGA CITY – Pinarangalan bilang One of the Most Effective Partners for Road Safety ng Land Transportation Regional Office V ang mga opisina ng Naga City Public Safety at Naga City Police.

Ayon kay Renne Gumba, Executive Director ng PSO, kasabay ito sa pagdeklara ng buwan ng National Road Safety Consciousness ngayong Mayo, at tanging ang NCPO Naga, ang nakatanggap ng pagkilala sa buong Bicol Region. Mahalaga at masaya na may mga ganitong parangal/ dahil ibig sabihin epektibo ang mga ipinapatupad na batas trapiko at road safety sa lungsod.

Kaugnay nito mas paiigtingan pa ng opisina ang mga proyekto gaya ng road clearing, traffic lights installation, one time big time operation at pag papatupad muli ng jaywalking ordinance para sa kaligtasan ng publiko sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *