Naga City nakapagtala ng 165 COVID-19 cases nitong Setyembre

NAGA CITY- 165 ang COVID-19 cases sa Naga City nitong Setyembre, sa kabila ng mga pagtitipon nitong nagdaang Peñafrancia Festival malaki ang ibinaba nito noong Agosto na mayroong 459.

Kung titingnan ang record ng City Epidemiology and Surveillance Unit , makikitang 45 ang aktibong kaso hanggang noong Setyembre 28. Karamihan naman sa mga ito ay mild at asymptomatic.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa 27 Barangays sampung mga barangay ang walang aktibong kaso kabilang dito ang Barangay Peñafrancia. Ang naturang barangay ay isa sa mga naging abala noong Fiesta.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ng Barangay Health Worker na si Gracia Torres na malaking tulong kasi ang pagpapabooster shot laban sa nasabing sakit. Mababatid na naging puspusan ang kampanya ng LGU bago ang mga religious and non-religious events.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aminado naman ang naturang BHW na may mga nag-aalingangan din mag pabooster at inirerespeto nila iyon.