Banggaan ng truck at innova sa Nueva Vizcaya, 3 sugatan

UPDATE: Tatlo ang sugatan sa nangyaring banggaan ng dalawang sasakyan sa National Highway na sakop ng Brgy. Sto. Domingo Proper, Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang mga biktima ay sina Jayson Quejano, 30 anyos, may-asawa, magsasaka na residente sa Alicia Isabela tsuper ng Isuzu Elf Truck at ang kasamang si Restino Nool, 56, anyos, may-asawa at residente ng Muñoz, Isabela.

Ang suspek na tsuper ng Toyota Innova ay nakilalang si Reymark Clark Gayanelo, 24 anyos, walang asawa, miyembro ng Phil. Coast Guard mula pa sa General Santos City at pansamantalang nakatalaga sa Pasig City at ang sakay nitong si Christine Pauline Diciano, 42 anyos mula sa Imus Cavite.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Bayombong, ang dalawang behikulo ay binabagtas ang magkaibang direksiyon kung saan ang Isuzu Elf ay patungo sa Bambang Town Proper at ang Toyota Innova naman ay patungong Bayombong.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon sa nakasaksi sa naturang aksidente na nakilalang si Eduardo Cabantac, umagaw umano sa linya si Gayanelo na sinubakan pang iwasan ni Quejano patungong kaliwang direksyon subalit bumangga pa rin ang naturang Innova sa Truck.

Nagtamo ng sugat ang dalawang tsuper ng behikulo na dinala sa pagamutan sa R2TMC para sa kanilang karampatang lunas habang kasalukuyan pang inaalam ang halaga ng pinsala sa nasabing aksidente.