Naga City, nagdiriwang ng ika- 76 Charter Anniversary!

NAGA CITY- Sarado ang mga opisina ng pamahalaan at walang pasok ngayon sa eskwela sa lungsod ng Naga; ipinagdiriwang ang ika-76 taon ng pagiging Chartered City.

Sa bisa ng  Republic Act No. 9210, ang bawat ika-18 ng taon ay pagdiriwang para sa Naga at ngayon ay Special Non-Working Holiday. Kilala ang Naga bilang Pilgrim City, regional hub for trade, sentro ng komersyo, edukasyon at pinagmulan din ng good governance. Ang Naga ay ang katangi-tanging lungsod sa Bicol na independent sa Provincial Government. Ang Naga o ang dating Ciudad de Nueva Cáceres, ay may 27 na mga barangay.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa Rondalla Concert na ginawa sa Plaza Rizal nitong nagdaang Father’s Day ay may connection nga Charter Anniversary, binanggit ni Coun. Vidal Castillo na maganda ring balikan sa pamamagitan ng musika kung ano ang Naga noon at kung ano na ito ngayon.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sa kabila nito, malaking haon sa lungsod ang muling pagkamit muli ng Seal of Good Governance ng Dapertment of Interior and Local Government (DILG), gayundin ang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa issue ng umano’y iregularidad sa internal processes sa ilang opisina. Nakuwesyon din ang mahigit P600-milyon nang utang para sa infrastracture project na ayon sa City budget office, hindi naman ito magiging pasanin sa halip ay investment  at kayang-kaya naman aniyang bayaran ng lungsod.