Demand sa Kawayan sa pamilihan, tataas sa mga susunod na taon

Tataas sa susunod na mga taon ang demand sa kawayan o bamboo dahilan upang hikayatin ng Department of Trade and Industry Region 2 ang mga magsasaka at negosyante na mamuhunan sa pagtatanim ng kawayan.

Ipinaliwanag ni Bamboo Program Coordinator Anna Katrina Garcia na maaaring makapagbigay ng pangkabuhayan ang kawayan dahil maraming maaaring magawa rito tulad ng bamboo planting materials, pole production, engineered manufacturing, biomass development for energy, furniture handicrafts at ecotourism.

Aniya, posibleng lumago sa 4.5% ang compounded annual rate ng worldwide bamboo market mula 2022 hanggang 2030 sa industrial application at furniture.

Sa kabila naman ng positibong global trade prospect ay nahaharap sa hamon ang bamboo industry sa bansa dahil sa limitadong suplay ng bamboo raw materials.

Dahil dito, ipinakilala ng kagawaran ang konsepto ng BRITEMap o Bamboo Resources Inventory and Technology Enabled Mapping na naglalayong bumuo ng sentralisadong system platform para sa awtomatikong pagtatala ng datos sa pamamagitan ng lightweight, offline-capable application, engage communities at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *