Naga City Migrants Resource Center handang makipag tulungan sa OWWA sakaling may i-repatriate mula sa Israel

NAGA CITY- Natatakot na ang ilang Pilipino  at nais nang makauwi mula sa Israel kasunod ng giyera laban sa Palestinian militant group na Hamas.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Migrants Resource Center head Nonoy Reforsado, sinabi nitong sa pagkakaalam niya walang Nagueño na nagtatrabaho sa Israel ngayon karamihan aniya ay nasa Middle East. Gayunpaman handa silang makipag tulungan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung mayroon mang OFW na nais umuwi o magkaroon ng repatriation.

Sa huling record ng Migrants Office nasa 8,000 ang migrants pero nasa 5,000 ang aktibong mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *