Naga City magdadalawang linggo nang Zero COVID-case

NAGA CITY- Zero COVID-19 case ang Naga City mula Mayo 17 hanggang Mayo 29, 2022. Sa kasalukuyan walang aktibong kaso ng nasabing sakit na binabantayan sa home isolation o sa mga quarantine facilities.

Ito ang masayang ibinahagi sa publiko ni Mayor Son Legacion sa pamamagitan ng kaniyang official facebook page.  Maoobserbahan din na matao ang mga simbahan, malls, merkado, plaza at iba pang mga pampublikong lugar.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Samantala sa talakayan sa City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) , sinabi ni Arts Culture and Tourism Office (ACTO) Chief Alec Santos na safe na safe bisitahin ang Naga.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Bakunado ang mga tourist workers at ang karamihan sa mga business establishments ay sumusunod sa mga patakaran sa pag-iingat sa naturang sakit.