Isa sa suspek sa shooting incident sa Pto Diaz, Sorsogon sumuko na

SORSOGON CITY – Hawak na ng Pulisya ang isa sa suspek sa pamamaril mahigit isang linggo na ang nakakaraan sa Brgy Talisayan, Pto Diaz, Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News ng nasabing himpilan ng pulisya, kusang isinuko ng pamilya si Jayson Bernisca Betito, truck driver at naninirahan sa nasabing barangay.

Umano’y nakatatanggap ang pamilya ng mga pananakot, matapos ang insidente ng pamamaril kung kaya’t nakumbinsi nila ang suspek na sumuko na lamang.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Kung babalikan, madaling araw noong Mayo 20 ay nagkaroon ng pagtatalo ang asawa ni Jayson na si Neneth Betito at kapitbahay nito na si Norma Obejas. Sa puntong ito ay lumabas ang anak ni Norma na si Rhey Wellhim para mamamgitan sana sa dalawa subalit sinalubong ito ng sunod-sunod na putok ng baril.

Nadamay din ang nakiki-fiesta lang sa pamilyang Obejas na nakilalang si Henry Detecio.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Dead-on-the-spot ang dalawang biktima habang sugatan si Norma Obejas, 64-anyos, isang biyuda.

Matapos ang pamamaril ay agad namang nahuli ang kapatid ni Jayson na si Jaymar, 29-anyos isang trucking crew.

Narekober sa posesyon nito ang isang kalibre 45 na pistola na walang magazine at isang kalibre 38 na revolver na walang bala.

Si Jayson naman ay nakatakas at naging subject ng manhunt operations ng mga awtoridad.