NAGA CITY- Napapanatili ng Naga City ang pagkakabilang na kilala sa mga safest City sa bansa, ito ay ayon sa Naga City Police Office.
Sa press conference kaugnay ng Peñafrancia Festival sinabi ni NCPO Director PCOL. Nelson Pacalso , simula noong pamunuan niya ang NCPO, isang malaking krimen lamang ang naitala at iyon ay ang pagpatay sa 17-anyos na Senior High School Student. Aminado si Pacalso na may mga kaso ng pagnanakaw, may mga malalaking drug operations din na nagreresulta sa pagkakaaresto ng mga drug suspek.
Ngayong milyon ang inasahan sa mga religious events sa Naga , tiniyak ng NCPO na mapapanatiili ang kapayapaan sa tulong na rin ng augmentation force.
Sinabi naman ni Mayor Son Legacion na hindi makakaapekto sa dagsa ng mga deboto at bisita ang umano’y mga harassment sa mga kababaihan sa lungsod. Pagpupunto ng alkalde nagkaroon sila ng imbestigasyon upang mabatid ang katotohanan sa mga facebook post an deleted na. Sa update ng alkalde wala ring pumunta sa kaniyang tanggapan na complainant matapos niyang i-contact.