Naga City Government nagsimula ng tumanggap ng mga aplikante para sa miss bicolandia 2023; ang pre-screening gagawin sa august 26

NAGA CITY – Handa na ang City Government ng Naga particular na ang City Events Protocol and Public Information Office na tanggapin ang mga aplikante para sa gaganaping Miss Bicolandia 2023.

Ang pre-screening sa mga posibleng maging kandidata sa taunang prestiyosong patimpalak na ito ay gagawin sa August 26, araw ng Sabado sa isang hotel sa Magsaysay Avenue.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga na ang mananalong Miss Bicolandia ngayong taon ay tatanggap ng 300 libong piso bilang cash prize maliban sa ibang mga incentives, ang 1st runner-up ay 150 libong piso; 100 libong piso naman sa 2nd runner-up, 75 libong piso naman sa 3rd runner-up at 50 libong piso sa 4th runnuer-up.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ang mga mapipiling kandidata ay magkakaroon ng Welcome Dinner at Press Presentation sa August 31.

Batay sa impormasyon na inilabas ng CEPPIO, sa darating na September 2 naman ang Swimsuit and Evening Competition at ang Coronation Night ay sa September 6 sa Jesse M. Robredo Coliseum.

Ang kasalukuyang Ms. Bicolandia 2022 ay si Rheema Adakkoden ng Naga City.