NAGA CITY – Masayang nakatanggap ng Mom’s Love Capsule at mga maternity kits ang nasa 30 na mga ina sa Barangay Panicuason, Naga City, sila ay dumalo sa “Barangay End Stunting Symposium” ng Brigada News FM.
Bago ang pamamahagi nito nagkaroon ng programa kasama ang mga personahe ng Barangay sa pangunguna ni Kapitan Domingo Ramos, kung saan laking pasasalamat nito dahil sa pagkakapili ng barangay upang pagdausan ng programa, hangarin ng barangay na pamangalagaan ang mga nanay na mga buntis pati kapapanganak pa lamang at mabigyan ng tamang nutrisyon, nang sa gayon ay mabawasan ang mga stunted sa lugar.
Ang Mom’s Love ES1 Caspsule ay sadyang ginawa para sa mga buntis at sa mga nagpapadede , tumutulong na habang nasa sinapupunan pa lang si baby ay nasa tamang laki at sapat na nutrisyon na ang nakukuha niya.
Ang mama kit naman ay mga hygiene kits mayroon ding gamit para sa baby.
Maliban pa riyan namahagi rin ng pagkain ang Brigada News FM Naga para sa mga dumalo.