Naga City Agriculture Office , sinabing walang magagawa sa mga binabahang sakahan sa lungsod; tulong binigyang pansin

NAGA CITY – Walang magagawa pagdating sa lugar ng sakahan, ang Naga City Agriculture Office, kapag nagkakaroon ng baha lalo na ang mga nasa low laying area.

Ito ang sinabi ni Acting City Agriculturist, Ernesto Asence III sa Brigada News FM Naga. Aniya, ang Barangay San Felipe, at Mabolo ang kadalasang may nauulat ng pagbabaha dahil malapit sa ilog, kung saan maliban sa mga subsidiya, insurance, rehistrado dapat sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture, binibigyan ng panibagong binhi para makahabol sa cropping at iba pa.

Kaya napakahalaga na dapat nakarehistro sila bago magtanim, tulad na lamang nitong nakaraang El Niño Phenomeon na apektado ang nasa 635 na mga magsasaka matapos matuyo ang sakahan na ngayon nakatanggap ng food pack at iba pang tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *