Ilang programa ng EDUCO Phil, nakasentro sa pagbawas ng malaking numero ng out-of-school-youths sa lalawigan ng Albay

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Educo Philippines sa pakikipagtulungan sa ChildFund Philippines na nakasentro ang ilang mga programa nila sa pagbawas sa malaking numero ng out-of-school youths sa lalawigan ng Albay.

Ito ang sinabi ni Gemma Castillo-Goliat, Country Director ng Educo PH, sa kakatapos lamang na paglunsad ng Child-led Academy Project (CLAP) sa Albay kung saan inihayag dito na  tututukan umano ng nasabing proyekto ang mga kabataan, partikular na ang mga nasa edad labing tatlo (13) hanggang labing walong (18) taong gulang.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations
Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Layunin ng nasabing proyekto na makapagsagawa ng mga pagsasanay sa mga kabataan sa komunidad na malinang ang kakayahang makibahagi, matutukan ang edukasyon, at higit sa lahat, magkaroon ng sapat na kaalaman sa kanilang mga karapatan laban sa pang-aabuso.