Umakyat na sa 25,489 pamilya o 86,321 indibidwal ang naapektuhan ng shear line at dating Bagyong #KabayanPH.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang mga apektadong residente sa 217 barangay sa Northern Mindanao, Davao Region, at CARAGA.
Pansamantalang sumisilong ang 19,601 pamilya o 67,105 indibidwal ang 390 evacuation centers.
Mayroon ding naiulat na isang nasaktan at isang nawawala pero patuloy ang berepikasyon ng ahensya sa mga ito.